PINALAKPAKAN ng netizens ang matapang na comments ni Enchong Dee patungkol kina Presidential Spokesperson Harry Roque at sa mga Cayetano.

enchong

Kay Atty. Harry Roque, ang sabi ni Enchong, “@attyharryroque you disgust me. Alam ko makikita mo ‘tong tweet na ‘to because you follow me. Sayang ka” bilang reaction sa pahayag ni Atty. Roque na “Maski po tayo nanghihinayang, eh tapos na po ang boksing. At dumaan na po sa proseso, sang-ayon sa Saligang Batas. Wala ma po tayong magagawa. Let’s move on” na tungkol sa hindi pagkaka-renew ng franchise ng ABS-CBN.

Ni-retweet naman ni Enchong ang tweet ng isang netizen ang photos nina House Speaker Alan Cayetano, kapatid na si Senator Pia Cayetano, kapatid na si Taguig Mayor Lino Cayetano at sister-in-law na si Congw. Lani Cayetano na kung saan na-quote si House Speaker Alan Cayetano na nagsabing, “We simply put an end to the privilege of one family in using a public resource to protect and promote their private interest.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maiksi, pero masakit at may pagsisisi ang reaction ni Enchong na “I used to admire these people.”

Sa kanyang Instagram, may post si Enchong na “I’ve been fighting for my country since I was 13, Hindi madali at walang kasiguraduhan pero masarap sa puso. I will do the same for the company which I called home for 15 years. Hindi ako titigil sa pananalita laban sa kasamaan na pumapaligid satin. Being bashed is a small price to pay in the right side of history. Sa mga kasamahan ko sa ABS-CBN, kasama nyo ako hanggang sa muling magbukas ang tahanan natin. At sa mga kapwa ko artista, hindi ito ang oras para manahimik, maging totoo tayo sa salitang #kapamilya.”

-Nitz Miralles