PUMUNTA sina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal at ang kanilang TV crew sa popular tourist town, sa Sagada, Mountain Province last Sunday, July 5, para mag-shoot ng video footage na gagamitin sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27. Isa sa famous tourist attraction kasi sa Sagada ang hanging coffins and caves.
Pero kahit “adopted son” daw ng Sagada, Mountain Province si Piolo, at may dala rin silang authorization letter from the Malacañang Broadcast Staff ng Radio Television Malacañang, hindi sila pinayagang pumasok sa lugar ni Vice Mayor Felicito Dula. May mahigpit pala silang health protocols doon na hindi magpapasok ng hindi residente ng lugar para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
May katwiran daw si Vice Mayor Dula na hindi sila papasukin dahil coronavirus free pala ang Sagada. At ginagawa rin daw ito ng ibang lugar na walang COVID-19 para maiwasan ang hawahan dahil sumusunod sila sa health protocols. Sana ganyan sa lahat ng lugar sa bansa, walang pasaway para hindi na dumami ang mga biktima ng COVID-19 pandemic.
-NORA V. CALDERON