EKSAKTONG 20 days nananatili sa Coronary Care Unit o CCU sa hospital si Daddy Ernie Dela Cruz ay tuluyan na niyang iniwan ang pamilya niyang sina Angelika, Mika, Erick, at ina ng mga anak na si Angelika Egger.

angelika

Post ni Angelika nitong Sabado ng gabi, “Daddy you are my best friend ang kakampi ko sa lahat. I’m heartbroken dahil iniwan moko agad. I love you so much Dad. Mabuti kang tao na maraming tinulungan.. pahinga ka na. Rest in Peace Dad masaya ako para sayo at mag kasama na kayo ni Edward till we meet again mahal na mahal kita #daddysgirl.”

Simula nang i-post ng aktres sa kanyang social media account na humihingi siya ng panalangin para sa ama ay lagi naming nakaka-chat sila ng mommy Angelika niya para sa update ni daddy Ernie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“He is still critical, showing just very slight improvements,” ito ag parating sagot sa amin.

Lagi rin naming pinalalakas ang loob ng panganay ni daddy

Ernie na gagaling ang ama, “Sana nga. Vitals niya okay, oxygen lang problema,” sagot sa amin.

Samantala, klinaro ni Mommy Egger na hindi Covid19 ang sakit ni daddy Ernie, “No, negative twice. Heart and lung failure ‘coz of lack of oxygen caused by pneumonia.”

Mula sa pahayagang Balita, nakikiramay kami sa pamilyang naulila ni daddy Ernie

-REGGEE BONOAN