AMINADO si MPBL commissioner Kenneth Duremdes na posibleng makansela ang nalalabing mga laro ng Lakan Season ng liga.

basilan

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa huling pagpupulongng mga team owners, sinabi ni Duremdes na nagpahiwatig ang mga ito ng intension na lumiban sa liga sanhi ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod ng COVID-19.

“May ilang teams na nagpadala na ng feeler na magte-take ng leave of absence next season," ani  Duremdes

Ito ay sa kadahilanang humihina na rin ang negosyo ng ilang mga team owners sanhi ng kasalukuyang ECQ kung saan ay malabong matugunan pa ng ilan ang pagpapasweldo sa mga manlalaro at ang kakyahang manatili sa liga.

"Napaka-importante nating malaman kung kaya pa ba ng team owners magpatakbo ng team, kapag makita ng league na wala talaga, we might cancel the season," aniya.

Nakadagdag pa sa pasanin ng liga ang airtime nito na mawawala gayung kasalukuyang sarado at hindi pinapahintulutang umere ang ABS-CBN na siyang may hawak ng Sports and Action channel na siyang nagsasahimpapawid ng mga laro ng MPBL.

Nasa finals na sana ang Lakan season kung saan apat na mahuhusay na koponan ang natira para sa finals seat.

Umaasa pa rin si Duremdes na matatapos ang Lakan Season ng liga at maituloy ang laro sakaling matapos ang kasalukuyang lockdown.

"Kung i-allow tayo to finish the Lakan Season with the restriction of no fans allowed, yes. Four teams na lang ‘yan, definitely kailangan na natin ito tapusin," ani Duremdes. ANNIE ABAD