MULA sa hard court, hanggang sa check point, handa si MPBL star Eric Acuña para sa bayan.

ACUNA

ACUNA

Matapos matigil ang 2019-20 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season bunsod ng COVID-19, hindi natigil ang ratsada ng pamosong guard ng Bacoor Strikers – hindi sa coliseum bagkus sa kalsadahan upang tulungan ang pamahalaan sa pagpapatupas ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

“Masaya na nakakatulong kahit malayo sa pamilya kasi eto yung trabaho namin e, pagsilbihan ang bayan at ayun yung sinumpaan namin kaya akahit anong crisis ang dumating handa kami para sa bayan,” pahayag ng Private First Class na si Acuña.

Metro

High school principal sa QC, arestado sa pangmomolestya umano ng 4 na estudyante

Mula sa pagsisimula ng ECQ, kasama na ang 30-anyos na si Acuna sa grupo ng mga sundalo mula sa Forth Bonifacio na naitalaga sa Kamaynilaan.

Tulad ng iba, sakripisyo ang kanyang gawain higit at may anak siyang magdiriwang ng ika-4 ng kaarawa sa May 12.

“Yung asawa (Jhana) ko lagi ako nun pinapaalalahanan na mag-ingat, ma- disinfect at laggng uminom ng vitamints pati mag dasal parati,” sambit ni Acuña.

"Yung anak ko naman, nung ‘di na ako umuuwi, dun na siya nagtataka bakit daw ang tagal tagal ko umuwi. Miss na miss na daw nia ako nasanay kasi yun dati na kahit duty ako, umuuwi rin ako sa kanila after,” aniya.

“Sa ganitong panahon, tayo tayo ang dapat nagtutulungan, sumunod tayo sa kung anong sasabihin kasi para sa atin lahat ito. Lahat tayo gusto bumalik sa normal na buhay, ugaliin natin mag dasal at maniwala sa Diyos.|ANNIE ABAD