Nagbigay ang SM Foundation, Inc. (SMFI) ng P100 milyong donasyon sa Philippine General Hospital (PGH) upang makatulong sa pagsugpo sa paglaganap ng kinatatakutang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

TULONG VS VIRUS Hawak ni Philippine General Hospital (PGH) director Gerardo Legazpi ang tsekeng nagkakahalaga ng P100 milyong donasyon ng SM Group of Companies bilang suporta sa pagpuksa sa kinatatakutang coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ayon sa nasabing social good arm ng SM Group of Companies, ang nasabing pondo ay unang bugso pa lamang ng kanilang donasyon sa naturang government hospital.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si PGH director Dr. Gerardo Legazpi, sa SM Group of Companies at sa pamilya Sy kasabay ng pagtanggap nila ng nabanggit na pondo.

'Mauubos lang ang oras ko:' Leila De Lima, iisnabin na lang mga basher

Nangako naman ang PGH na gagamitin nila ang pondo sa pagbili ng personal protective equipment (PPEs), test kits, alcohol, at iba pang medical supplies.

Bukod sa PGH, nakatakda ring tumanggap ng pondo ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at iba pang government hospital sa buong bansa upang magamit sa paglaban sa naturang sakit.

Umapela naman ang SM Group of Companies sa publiko na patuloy na suportahan ang mga frontline volunteers sa pagpuksa sa COVID-19.