Nagsisisiat humingi ng dispensa ang aktres na si Angel Locsin dahil ikinampanya niya noong 2007 si Senador Koko Pimentel lll, na aniya ay isang “mortal sin.”

angel

Nasa ‘hot seat’ ngayon ang senador dahil alam naman niyang positibo siya sa COVID-19 ay inihatid pa niya sa Makati Medical Center ang asawang nakatakdang manganak sana nitong Marso 25 thru caesarian section. Ang ikinatataka ng lahat ay walong buwang buntis si Ginang Kathryn Yu-Pimentel.

Nagawa raw lumakad-lakad pa ni Sen. Koko sa hospital kaya’t naglabas ng official statement ang Makati Medical Center sa kanilang Facebook page.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Going back to Angel ay tinanong siya ng follower niya sa Twitter, “Do you regret that you campaigned for him then in a TV ad? Voted for him because of you.”

Ang mabilis na sagot ng aktres, “Yes. Super. Mortal sin. Patawarin niyo po ako bilang ex-husband siya ng pinsan ko.”

May nag-post pa ng lumang litrato nina Angel at senator Koko na ang komento ng aktres, “Eww.”

Samantala, idiin ni Angel na isang beses lang niya ikinampanya at ibinoto ang nasabing senador.

-Reggee Bonoan