MATAGUMPAY ang operasyon ng pinagsamang Games and Amusement Board Anti-Illegal Gambling Unit (GAB AIGU) at North Caloocan Police District sa pagsalakay sa ilegal bookies sa Namie St., Bgy. 43, Caloocan City.
Kabuuang apat na gambling operator ang nadakip sa naturang operasyon at kaagad na pinatawan ng kaso batay sa anti-illegal gambling law o Presidential Decree No. 1602 ( Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling).
Nakuha ng mga otoridad sa mga suspects ang bookies paraphernalia, kabilang ang ruta, devidendazo, monitor, telephone, ballpen, tickets or receipts, digibox na may remote, handheld radio, at cash na itinataya ng mga parokyano.
Isinumite ang mga suspects at mga nakuhang ebidensya sa Caloocan Police Station para sa tamang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Iginiit ni AIGU Supervisor (Ret.) Col. Reynaldo Jagmis, na mas pinaigting nila ang operasyon bilang pagtalinga sa pagpapatupad ng ng GAB laban sa illegal gambling.
Sinabi ni GAB Chairman Baham Mitra na nararapat na pagkalooban ng pagkilala ang mga opisyal at miyembro ng PNP Caloocan at AIGU bunsod ng matagumpay na operasyo. Aniya, nakatuon ang pansin ng GAB AIGU’s operations sa ilegal na pagtaya at pustahan sa mga ilegal na bookies