ANG asawa ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli ang newest youth ambassador ng National Youth Commission (NYC).

“It is an honor and privilege to serve my country. Focusing on the youth sector, which I believe is one of the most important sectors in building and improving our beautiful nation. Thank you to the NYC for this opportunity. Let’s get to work!”

Ginawa ang awarding ceremony kay Matteo sa NYC Central Office last March 10.

Na-interview din si Matteo during the awarding at natanong ni MJ Felipe na kung itutuloy nila ni Sarah ang nababalitang wedding nila sa Italy ngayong may nationwide locked down sa bansa?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sabi ni Matteo, wala raw silang plano ni Sarah na magpakasal sa Italy kahit noon wala pang COVID-19 outbreak.

Nagtataka lang kami, bakit ngayon lang natanong si Matteo tungkol sa wedding sa Italy at bakit ngayon lang niya nilinaw na wala pala naman silang planong magpakasal sa Italy?

-NITZ MIRALLES