HINDI na rin nakaligtas ang komunidad ng sports sa tumitinding COVID-19.

NAGBIGAY ng ‘update’ hingil sa paghahanda ng Team Philippine sa 2020 Tokyo Olympics si Chief of Mission Nonong Araneta nang harapin ang mga miyembro ng media kahapon sa Philippine Sports Commission conference room. Kinatawan ni Marc Velasco (kaliwa), PSC Executive Assistant to the Chairman, si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

NAGBIGAY ng ‘update’ hingil sa paghahanda ng Team Philippine sa 2020 Tokyo Olympics si Chief of Mission Nonong Araneta nang harapin ang mga miyembro ng media kahapon sa Philippine Sports Commission conference room. Kinatawan ni Marc Velasco (kaliwa), PSC Executive Assistant to the Chairman, si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’Fernandez at In-Charge sa PSC Regional Games na kanselado na ang Limasawa Children and Coastal Games na nakatakda sa Marso 27 hanggang Abril 1.

“Pursuant to Presidential Proclamation No. 992, dated March 8, 2020, the Limasawa Children and Coastal Games events scheduled on March 27 to April 1 is cancelled and will be scheduled on a later date,”pahayag ni Fernandez.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Nitong Martes, idineklara ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ‘State of Public Health Emergency’ bunsod na rin sa mabilis na pagtaas ng mga pasyente na nagpositibo sa naturang virus. Sa huling report ng Department of Health (DOH) umabot na sa 24 ang pasyente na positibo sa COVID-19.

Tumalima na rin ang University of Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) – dalawa sa pinakamalaking collegiate league sa bansa – at agad na kinansela ang mga laro sa kabuuan ng lingo.

Nauna rito, kinansela ng Department of Education (DepEd) ang Palarong Pambansa na nakatakda sa Marikina City sa Abril.

Sinuspinde na rin ang pasok sa lahat ng antas ng klase sa buong Metro Manila mula kahapon hanggan sa Marso 14 bilang bahagi ng pagkilos upang maabatan ang higit pang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit.

Sa datos, ang 24 na mga pasyente na positibo sa COVID-19 ay nagmula sa Pasig, Makati, Quezon City, Marikina, Cainta at Taguig.

“It was raised because of the increasing number of cases of COVID- 19 in the country. The league has also deemed that all of its events must be suspended as well,” ayon sa opisyal na pahayag ng UAAP management.

Kanseldo ang mga laro sa Collegiate Volleyball, Collegiate Football, Collegiate Softball, Collegiate Baseball, at High School Girls’ Basketball.

“In the meantime, the president and the league are calling all of the students to “be confined in their homes and continue to study,” anila.