KALOKA itong si Angelica Panganiban nang mag - tweet sa socmed na kahit masama ang pakiramdam nagawa pang mag ala-Tiya Dely. Dahil sinagot at nagpayo siya sa mga nagtanong na netizens. Sabi niya, “Nilalagnat ako. D ako makatulog. Gising pa kayo? May tanong ba kayo?”

angeliica

Kaya naman may ilang netizens ang lakas loob na nagtanong tungkol sa kanyang buhay pagibig. Usisang tanong nga ng follower ni Angelika: “How’s your love life? Dika ba minsan napapa isip na Yung ibang kasabay mo sa showbiz may kids na or family na, tapos kaw Wala pa? Pero I know happy ka and successful. Just want to know if sumasagi sa isip mo Yun. #lablab

Imbes maimbiyerna si Angelica walang pag-aalinlangan niyang sinagot ang tanong sa kanya. Aniya, “Always :) gusto ko ng family. Kids. Pero hindi sa lahat binibigay yun. Okay naman ako.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Alam naman ng karamihan na ilan na ring relasyon ni Angelica ang mga naunsyami o nauwi sa wala. Kay Derek Ramsay ilang taon din silang naging magkasintahan pero naghiwalay din ganoon din kila Carlo Aquino at John Lloyd Cruz — taon din ang inabot pero waley din ang kinahinatnan.

May sumunod pang tanong ang isa pang netizen na mukhang may pinatutungkulan. Sabi niya, “Bakit may mga taong after mong buoin yung sarili mo babalikan ka para sirain ka ulit?” Nakakaaliw na saad ni Angelica, “Trial yun ni God kung tanga ka pa din.” Aba! May sense ang sagot ni Angelica huh!

Sinundan pa ito ng isa pang netizen na obviously nakaranas ng sukling panloloko ng kanyang dyowa despite sa ibinigay niyang pagmamahal. Ayon sa kanya, “Nagmahal lang naman tayo ng tapat, bakit kailangan nilang humanap ng pandaliang sarap? Ganun ba talaga? Buong puso ka nag tiwala. Sasayangin lang nila sa maling tao. Y?” Tugon ni Angelica, “Yung Ymo, d masasagot yun. But always remeber, loving is the best feeling :)” Oo, nga naman.

-DANTE A. LAGANA