“HINDI Tayo Pwede” ito ang sinabi ni Lovi Poe kay Marco Gumabao dahil kahit nasa kabilang buhay na si Tony Labrusca ay hindi pa rin siya umaalis sa tabi ng dalaga, ayaw niyang iwan ang katipan.

hindi tayo pwede (1)

Ang pelikulang Hindi Tayo Pwede mula sa Viva Films na idinirek ni Joel Lamangan at sinulat ni Ricky Lee ay tungkol sa mag-bestfriend na sina Lovi at Marco simula high school palang at lahat ng nangyayari sa buhay ng dalaga ay ikinukuwento nito sa binata.

Hanggang sa nakilala ni Lovi si Tony at naging sila bagay na ikinasama ng loob ni Marco dahil napunta sa iba ang babaeng mahal niya sa buong buhay niya.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

At kahit na mag-dyowa na sina Lovi at Tony ay nasa tabi pa rin ng dalaga si Marco, sa madaling salita ‘thirdwheel ang huli. Kapag may gusot ang dalawa, sa bestfriend tumatakbo ang una para magsumbong.

Sinubok ang pagkakaibigan nina Lovi at Marco nang maaksidente at mamatay si Tony ilang araw bago sila ikasal.

Inakala ni Marco ngayong wala na si Tony ay mababaling na ang pagtingin sa kanya ni Lovi kahit na may nangyari pa sa kanila, pero hindi dahil nakabantay ang multo.

In fairness, si Lovi rin naman ang nagsabing huwag siyang iwan ni Tony dahil sobrang mahal nila ang isa’t isa kahit pa pinayuhan na ng manghuhula na kinailangan ng umalis ng huli para makatawid na.

Napaka-passionate ng love scene nina Tony at Lovi at ipinakitang ang aktres ang mas gigil pa at kitang-kitang gentleman ang aktor dahil ingat siya sa eksena at ang haba, huh.

Sabik naman ang paglalarawan namin sa love scene nina Marco at Lovi na talagang may tongue to tongue pa, mabuti na lang at foreigner ang boyfriend ng aktres dahil kung Pinoy ito, tiyak na mahabang paliwanagan ito.

Mukhang nae-enjoy na ni Marco ang magpakita ng butt dahil ikalawang beses na niyang ipakita ang butt niya sa Hindi Tayo Pwede at nauna ‘yung sa kanila ni Anne Curtis na Just A Stranger na produce rin ng Viva Films at idinirek ni Jason Paul Laxamana na ipinalabas noong Agosto 2019.

As expected ang sexy talaga ni Lovi lalo na sa ginanap na red carpet premiere nitong Martes sa SM Megamall Cinema 1 dahil sa suot nitong damit at hindi naman nagpahuli ang dalawa niyang leading man sa kanilang mga suot.

Kasalukuyang palabas na ngayon ang Hindi Tayo Pwede sa maraming sinehan nationwide.

-Reggee Bonoan