PALAISIPAN sa lahat ng followers ni Coco Martin sa kanyang Instagram account na mr.cocomartin ang pinost niyang napakagandang resort na kuha sa ibang bansa obviously na walang caption kaya kanya-kanyang hula kung saan ito.

Coco IG photo

May top shot na may lalaking naka-bathrobe habang hawak ang cellphone na may payong na puti kaya ang mga artistang puma-follow sa aktor ay nagsabi ng, ‘wow, hayop, ganda.’

Isa na si Alessandra de Rossi sa nagtanong, ‘nabili mo na ba?’

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

May isa pang video post din na nasa gitna ng kabundukan ang resort may lalaking nag-dive sa infinity spa pool palapit sa babaeng nakatalikod na mahaba ang buhok at nakatingin sa napakagandang view ng bundok. Hindi maaninag kung sino ang dalawang bida sa video dahil ang layo ng kuha.

Napapa-smile kami sa mga nabasa naming komento na umabot sa 564 at 264 likes.

Maraming nagsabi kaagad na, “random post lang po, ‘wag mag-assume.”

May mga nagsabing either sina Yassi Pressman at Julia Montes ang kasama ni Coco sa napakagandang resort na ito.

Ha, ha, ha kung isa sa mga nabanggit, sigurado kaming hindi ito ipo-post ng aktor, ano ba!

Kanya-kanyang hula ang lahat kung saang bansa ito dahil tila nakita na raw nila ito rati sa Italy at Austria thru booking. com.

Anyway, nu’ng i-zoom namin para makilala ang lalaki’t babae ay tila hawig ni Angelica Panganiban pero si Coco ay parang hindi siya pero kasing laki at ka-hulma niya.

May ginagawa kasing pelikula sina Coco at Angelica sa Star Cinema at balita namin ay nag-shoot sila sa Bataan dalawang linggo na ang nakararaan.

H m m , b a k a naman peg ni direk Coco ang pinost niyang video file stock footage ng isang lodge resort ng ibang bansa para sa pelikula nila ni Angelica?

Love or Money ang working title ng pelikula na isinumite sa 2020 Metro Manila Summer Film Festival mula sa direksyon ni Mae Cruz –Alviar.

-REGGEE BONOAN