BAGUIO CITY— Sa patag man o akyatin, hindi pahuhuli si George Oconer ng Standard Insurance-Navy.

NAGBUNYI ang mga miyembro ng Standadt Insurance-Navy matapos ang pagtawid bilang isang grupo sa finished line ng Stage 8 nitong Lunes, habang (kanan) ang makasaysayang ‘sweep’ sa individual race ng Navy sa Stage 4 na nagpatatag sa kanilang kampanya na makamit ang ikaanim na sunod na kampeonato.

NAGBUNYI ang mga miyembro ng Standadt Insurance-Navy matapos ang pagtawid bilang isang grupo sa finished line ng Stage 8 nitong Lunes, habang ang makasaysayang ‘sweep’ sa individual race ng Navy sa Stage 4 na nagpatatag sa kanilang kampanya na makamit ang ikaanim na sunod na kampeonato.

riderss

Matapos ang ilang banderang-kapos na kampanya sa nakalipas na mga taon, nakamit ni Oconer, isa sa beteranong rider sa local cycling scene, ang pinakamimithing korona sa LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Kabilang ang 28-anyos sa 10-man group na unang tumawid sa finish line ng Stage Eight upang patibayin ang katayuan para sa individual classification title kahapon sa Burnham Park dito.

Isa lamang si Oconer sa anim na miyembro ng Standard sa lead pack ng Stage 8 na pinagwagihan ni Go for Gold’s Daniel Ven Carino, sapat para palawigin ang bentahe ng Navymen sa team competition.

Naorasan ang biyahe ni Carino sa 170.6km Palayan-Baguio stage sa tyempong apat na oras, 30 minuto at apat na segundo.

Pangalawa si Marvin Tapic ng Bicycology-Army kasunod si Jonel Carcueva ng Go for Gold sa karera na inorganisa ng LBC, sa pagtataguyod ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

Tangan ng n i Oconer ang kabuuang oras na 27:34:35 kontra sa mga kasanggang sina Ronald Oranza (27:35:50), Ronald Lomotos (27:35:53), John Mark Camingao (27:36:28), Junrey Navarra (27:36:52) at El Joshua Carino (27:38:26).

Tiyak na pitiks na lamang si Oconera sa nalalabing huling dalawang stages -- 176.4km Pugo, La Union-Vigan Stage Nine at he Vigan Stage 10 criterium.

“Nagpapasalamat ako sa aking mga kasama. Talagang suportado si l a sa p a g b a b a n t a y , ” pahayag ni Oconer.

Habang nanatili ang Top 6, nagbago ang listahan ng Top 10 nang mawala sa grupo sina dating No.7 at dating leader Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop- Army at No.8 Rustom Lim ng 7Eleven Cliqq- Air21 by Roadbike Philippines.

Mula s a No.9 nakuha ni Carcueva ang No.7 sa oras na 27:39:59, habang mula sa No.12 at naging N o . 8 s i Carino (27:40:21), kasunod si Grospe sa No.9 mula sa No.10 (27:40:23) at pumasok sa No.10 si Tapic mula sa No.20 (27:42:55).

Sigurado an rin ang Standard sa ikaanim na sunod na team title.

Naghihintay ang P1 milyon sa individual champion sa karera n a i t i n a t a g u y o d din ng Palayan, Nueva Ecija, Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy K a n i n , V i t a m i n Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.