MAY nag-congratulate at may kinilig sa pinost na photo ng magdyowang Alessandra de Rossi at GMA-7 resident director Rico Gutierrez habang sila’y nagbabakasyon sa Amanpulo. Birthday treat ang Amanpulo vacation ni Assunta de Rossi, sister ni Alex, ayun sa nabasa naming comment ni direk Rico.

IMG_2815

Kabilang sa mga nag-congratulate at kinilig kina Alex at direk Rico sina Lovi Poe, Drew Arellano, Rachelle Ann Go, Maxene Magalona, Heart Evangelista, Candy Pangilinan, at iba pang kaibigan.

Sa litrato na nakita namin at sa reaction nina Alex at direk Rico, hindi na nila kailangang umamin pa dahil sabi nga ni Candy, “Confeeerm!” ang matagal na rin namang pinag-uuusapang relasyon ng dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Lalong magkakasundo nito sina direk Rico at Alex dahil pareho na silang director ngayon dahil nagdidirek na rin si Alex ng pelikula. Si Alex ang director ng Fluffy and Fream movie nila ni Piolo Pascual.

Si direk Rico naman ang directors ng I Bilib, Daig Kayo ng Lola Ko, The Boobay and Tekla Show, at Amazing Earth.

-Nitz Miralles