“MASAYA kaya si Sarah Geronimo?” ito ang tanong ng karamihan sa naganap na civil wedding nila ni Matteo Guidicelli nitong Huwebes, Pebrero 20.

Matteo & Sarah

Siyempre mixed emotions ang singer/actress dahil sino ba naman ang magsasaya kung may mga tao naman siyang nasaktan? Pero kaya naman din nila ginawa iyon ni Matteo ng patakas ay dahil nga wala pa ring basbas ang magulang ni Sarah na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo.

May kasabihan na kapag may nahapis kang tao ay hindi magiging maayos ang buhay mo at marami na kaming nakitang ganito ang nangyari.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Iba naman siguro kina Matteo at Sarah dahil sa 6 years nilang relasyon ay walang araw na hindi naman nila siguro sinusuyo ang mag-asawang Geronimo para bigyan na sila ng blessings ay hindi ito ibinibigay hanggang sa huling sandali.

Kaya naisip na rin ng bagong kasal na kahit na anong mangyari, walang urungan at walang susuko sa pagmamahalan nilang dalawa na nangyari na nga nitong Huwebes at kung tama ang dinig namin ay magaganap naman ang church wedding nila sa Italy sa Marso 27 ngayong taon.

Maraming natuwa na natuloy na rin ang AshMatt sa plano nila at kaliwa’t kanan ang tira kay mommy Divine pero sana intindihin din nila siya bilang ina. Sabi nga, mother knows bests. Baka nga may nakita siya kay Matteo na hindi nakikita ng lahat.

Anyway, may naka-tsikahan kaming hindi namin puwedeng i-reveal ang pangalan at sabi niya ay hindi ang sustento ni Sarah ang hinahabol ng magulang niya dahil sa katunayan ay ibibigay nila lahat sa anak ang kinita nito.

“Kaya nagpunta si mommy Divine sa civil wedding at gusto niyang makausap ang anak ay dahil may tinanong siyang importanteng bagay. Hintayin natin kung ano ‘yun dahil mahirap pangunahan,” sabi ng aming source.

May isa pa kaming nakausap na pinapi-pirma ng magulang ni Sarah si Matteo ng prenuptial agreement bago sila ikasal na ikinagulat namin dahil ang alam namin ay marangya ang pamilya Guidicelli.

“Gusto lang kasi ng pamilya ni Sarah, lahat ng napundar niya nu’ng dalaga siya, kanya lang, hindi magiging conjugal. Kasi ganu’n, eh, ‘di ba kahit na-acquire mo ‘yun nung dalaga ka pa at nag-asawa ka na, magiging conjugal na,” sambit pa sa amin.

E, sa tingin namin hindi naman magiging problema kay Matteo yun kung papirmahin siya dahil hindi naman interesado ang aktor sa kita ng asawa niya dahil may sarili naman siyang pera at may negosyo pa.

“Well, let’s wait and see!” ito ang sabi sa amin.

Bigla tuloy namin naalala ang dinaluhang naming kasal na pinapirma muna ng nanay ng groom ang bride niya ng prenuptial bago sila ikasal.

Ang katwiran ng ina, “isinaayos ko lang ang tama, but don’t get me wrong, boto ako sa asawa ng anak ko, gusto ko lang magsimula sila na galing sa pinaghirapan nila.”

Hmm, makes sense. Baka ganito rin ang nasa isip ng magulang ni Sarah?

Pero teka, baka naman si Matteo ay may prenup kay Sarah?

Anyway, bukas ang pahinang ito sa panig nina Sarah at Matteo kasama na rin si Mommy Divine.

-REGGEE BONOAN