PATULOY ang paglago ng karate sa Pilipinas at napapanahon na mapabilang ang Pinoy karateka sa Olympics.

NILINAW ni dating National coach David Lay ang ilang isyu na naging dahilan sa gusot sa karate association sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’.

NILINAW ni dating National coach David Lay ang ilang isyu na naging dahilan sa gusot sa karate association sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’.

Ayon kay one-time Southeast Asian Games champion at dating national team coach David, mataas na ang ‘competitive level’ ng Pinoy karatekas at patunay ang tagumpay nina Junna Tsuki at Jaime Lim at iba pang miyembro ng National team sa 30th edition ng SEAG nitong Disyembre.

“With the right training and proper international exposure, Filipino karatekas can also excel in this sport,” pahayag ni Lay sa pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Sa kasalukuyan, ayon kay Lay, chief instructor ng Karate Development Arts (KDA), ang Filipino-Japanese na si Junna Tsukii ang may pinakamalakign tsansa na makapasok para sa 2020 Tokyo Olympics.

“I think kailangan na lang nya (Tsukii) ng ilang medal finishes. I hope she makes it to the Olympics. I’m really happy that she is representing the Philippines,” aniya.

Hindi iniwan ni Lay ang karate, bagkus patuloy niya itong kinakalinga. Sa pakikipagtulungan kay Rudy Ochoa ng PKTS, isasagawa nila ang 1st Japan Karate Shoto Federation kata and kumite seminar bukas sa Ali Mall sa Cubao, Quezon City.

Bahagi ang event sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng KDA.

“This Sunday, we expect as many as 400 to 500 participants from various JKS clubs in Metro Manila,” pahayag ni Ochoa sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Nilinaw din ni Lay na walang isyu ang kanilang programa sa Philippine Karate Association (PKA) – ang opisyal na National Association sa Karate na pinamumunuan ni Richard Lim.

“We have no problems. If there’s an activity,we support each other. What’s important is yun goal that we have. If our players want to play in the other group, we will not stop them and even encourage them. Respetado namin sila,” aniya.