PARARANGALAN ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang Amateur Boxing Association sa gaganaping SMC-PSA Annual Awards Night ngayong Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang tatanggap ng National Sports Association of the Year.

Apat sa mga kilalang boksingero ng bansa ang naging dahilan ng karangalan na nakuha ng ABAP upang hirangin sa nasabing kategorya sa naturang awards night.

Si Nesthy Petecio,ang unang pangalan na nagbigay ng ingay nang kanyang kunin ang kampeonato sa world championships sa pamamgitan ng gintong medaly.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang 27-anyos ang naging pambato ng ABAP para sa matagumpay na kampanya nito sa AIBA Women’s World Boxing Championships na ginanap sa Ulan-Ude, Russia kung saan pinataob niya ang pambato nito na si Liudmila Vorontsova sa pamamgitan ng split decision para sa featherweight division.

Kasunod nito, bagama’t hindi nakakuha ng gintong medalya, nakuha naman ni Felix Eumir Marcial ang silver sa nasabi ring torneo para sa naman sa men’s event na ginanap naman sa Yekaterinburg sa Russia.

Gayunman kinilalala pa rin ang 24-anyos na tubong Lunzuran, Zamboanga City na si Marcial ilang ikatlong Pinoy na tumapos ng ikalawang puwesto sa prestihiyosong torneo na huling nakuha nina light-flyweight Roel Velasco noong 1997 at Harry Tanamor noong 2007.

Hindi rin matatawaran ang galing na ipinamalas ng dating world champion na si Josie Gabuco kung saan nag-uwi siya ng gintong medalya buhat sa Asian Boxing Confederation ASBC Elite Boxing Championships na ginanap naman sa Bangkok, Thailand kung saan pinatob naman niya si Kim Hyang Mi ng North Korea sa finals ng women’s light-flyweight category.

Si Gabuco ay naging kampeon din ng AIBA world women’s champion noong 2012 bago pa man nakuha ni Petecio ang nasabing parangalan noong nakaraang taon.

Sa pinagsanib na puwersa ng tatlong nabanggit na boksingero, nakuha din nila ang gintong medalya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games upang maiambag sa overall title na nakuha ng buong Team Philippines.

Samantala, ang Team Philippines naman ang tatanghaling Athlete of the Year para sa nasabing gabi ng parangal na suportado ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, the Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.

-Annie Abad