CHICAGO (AP) — Lalaro sa NBA All-Star Game – sa unang pagkakataon – si Pheonix Suns star guard Devin Booker.
Matapos ma-snubbed ng fans sa botohan, gayundin sa pilian ng mga coaches, pinili ni NBA Commissioner Adam Silver ang 21-anyos nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) bilang kapalit ni Damian Lillard ng Portland na nagtamo ng injury sa huling laro ng Blazers nitong Martes.
Batay sa regulasyon ng NBA, ang kapalit na player ng orihinal na All-Star ay kailangang magmula sa kinabibilangang Conference.
“Hopefully somebody who should have been there and didn’t make it ... hopefully, Devin Booker or somebody like that will get the spot,” pahayag ni Lillard nang ipahayag ang kabiguang makalaro sa All-Star Weekend.
Kaagad namang tumalima ang NBA at isinama si Booker sa Team LeBron na lalaban kontra sa Team Giannis Antetokounmpo sa All-Star Game sa Linggo (Lunes sa Manila) at sa 3-point contest.
Nasa ika-10 season, tangan ni Booker ang averaged 26.4 puntos. Tanging sila ni Washington’s Bradley Beal ang nasa Top 10 scoring list ng liga na hindi nabilia sa All-Star Team.
“I’ve played with and against multiple All-Stars in this league and Devin Booker is undoubtedly an NBA All-Star,” sambit ni Suns general manager James Jones.