Bakasang saya at nerbiyos ng young Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa media launch ng bago niyang GMAAfternoon Prime drama series na Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

nora lang Kyline & Yasser Bilangin

Inamin ni Kyline ang naramdamang nerbiyos sa story conference pa lamang nila nang makaharap na niya ang bumubuo sa cast – superstar Nora Aunor, Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ricky Davao, Divina Valencia, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Ina Feleo, at Yasser Marta, na first time siyang magkakaroon ng leading man sa isang serye. Higit sa lahat, ang magdidirek ng serye ay ang pamosong director na si Ms. Laurice Guillen.

“Ang sarap po sa pakiramdam na binigyan ako ng GMAng ganito kalaking project at isama sa mga malalaki at mahuhusay na artista,” nakangiting sabi ni Kyline. “Mas lalo pong surreal nang malaman kong ang proyekto ay unang ginawa ni Ms. Aunor in 1989 sa Regal Films at naging blockbuster noong panahong iyon. Dual role po siya roon at gagampanan ko ngayon iyong character niya na anak ni Cedes, si Maggie. Siya naman po ang magiging Cedes at ang anak niyang si Magnolia ay gagampanan ni Ms. Mylene, na siya ko namang nanay.”

Events

Kim Chiu, Julia Barretto nominado sa Asian TV Awards 2024

Magiging leading man nga ni Kyline si Yasser Mata, bakit magiging bawal ang pag-ibig nila?

“Sa story po kasi, magkakaroon ng relasyon ang nanay ko kay Tito Zoren, ako po ang magiging anak nila. Nagkakilala kami ni Yasser as Jun, mai-in love kami sa isa’t isa, without knowing na magkapatid pala kami dahil anak si Jun ni Tito Zoren kay Margaux (Ina). Dumaan pa rin po muna si Yasser sa audition, marami silang nag-audition, pero nagkasama na kami ni Yasser sa Kambal Karibal, my first series sa GMA. At nakita naman nila na may chemistry kami sa roles na gagampanan namin.”

Pero may isa pang bagay na nai-excite si Kyline, ang nalalapit niyang debut sa September 1.

Grand debut ba ang magaganap?

“Yes po, at ngayon pa lamang nagmi-meeting na kami pero wala pa po akong pwedeng ikuwento sa details, kaya focus muna ako sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit dahil world premiere na namin sa February 24, at excited na rin akong maka-eksena si Ms. Nora Aunor, hindi pa po kasi kami nagkakasama simula nang mag-taping kami,” pagbabahagi niya.

-NORA V. CALDERON