Opisyalnang Kapamilya ang tatlo sa mga kilalang pangalan sa showbiz industry – sina Ivana Alawi, Tony Labrusca, at Donny Pangilinan -- matapos pumirma ng kani-kanilang kontrata sa ABS-CBNkamakailan.

Tony Labrusca Donny Pangilinan Ivana Alawi

Dream come true ito para kay Ivana, napanood sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

“Matagal ko nang gustong maging parte ng network na ito, at ito na ang araw na ‘yun,” aniya. Pumirma rin siya ng kontrata sa Star Cinema at sa Star Music.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nagbigay naman ng patikim ang James & Pat & Dave star na si Donny Pangilinan ukol sa mga proyektong kaniyang ginagawa ngayong taon, kabilang ang isang bagong music release na kaniyang inilarawan bilang “naiiba sa kaniyang mga nailabas noon.” Nang tanungin tungkol sa genre ng pelikula at teleserye na nais niyang gawin ngayong 2020, action ang unang lumabas sa bibig ng aktor.

Isang horror movie, bagong teleserye, at isang iWant Originals series kasama si Julia Barretto; ilan lamang ito sa mga proyektong nakahain ngayong 2020 para sa aktor na si Tony.

Nang tanungin kung magiging kasing “glorious” ba ng kaniyang proyekto kasama ang beteranang aktres na si Angel Aquino ang kaniyang inihahaing palabas kasama si Julia, sagot ni Tony, “Makikita niyo na lang, at kayo na ang bahalang humusga.”

Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBNchairman Mark Lopez, ABS-CBNpresident at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, head ng films productions na si Olivia Lamasan, head ng ABS-CBNmusic na si Roxy Liquigan, head ng treasury na si Rick Tan, head ng finance operations na si Catherine Lopez, at head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.

-Reggee Bonoan at Mercy Lejandre