AAKUIN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpapagawa ng Burauen Sports Complex Track Oval and Swimming Pools bilang tulong sa lokal na gobyerno ng Burauen, Leyte.

Kabilang sa ipagkakaloob na tulong PSC ay ang pinansyal na suporta pati na ang teknikal na para sa pagpapagawa ng nasabing pasilidad sa 2021.

Personal na bumisita si Burauen City Mayor Juanito Renomeron kay PSC chiarman William “Butch” Ramirez kahapon upang pagplanuhan ang nasabing proyekto.

“The PSC is persistent in its mandate to make sports accessible to every Filipino, and to support local government units on their grassroots sports programs that creates better citizenry through sports,” ayon sa PSC chief.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Lubos naman ang pasasalamat na ipinaabot ni Renomeron sa pamunuan ng PSC dahil sa naturang tulong na kanilang matatanggap.

“We were surprised by the support coming from the PSC for the renovation of both our track oval and swimming pool. This is a great step in developing a better grassroots sports program in our city,” ani Renomeron.

Ang sports complex na may lawak na 6 na hektarya ay isang malaking hakbang para sa nasabing lunsod na ituloy ang kanilang pagnanais na maging host ng isa mga programa ng PSC na gaya ng Batang Pinoy o di kaya ay ang Philippine National Games, maging ng Palarong Pambansa sa 2023.

Samantala, pasisinayaan naman ni Ramirez ang opening ceremonies ng Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) meet sa Burauen Sports Complex sa Marso 22.

Ang PSC din ang katuwang ng Mindanao State University (MSU) upang maipagawa ang kanilang Track Oval bilang bahagi ng pagtulong ng ahensiya sa pagbangon ng Marawi City noong 2018.

-Annie Abad