SOLD-OUT na kaagad ang tickets ng post-Valentine show na Co Love Live nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na gaganapin sa Pebrero 15 sa New Frontier Theater sa ganap na 8PM.

Dennis at Jennylyn

Nagkaroon ng ideya ang dalawa nang udyukan sila ng supporters nila at mga kaibigan na mag-concert dahil nabibitin ang lahat sa collab music nila na pino-post nila sa kanilang YouTube channel na umaabot ng milyon views.

Ayon sa isa sa producer ng show na si Ms Becky Aguila ay walang second night dahil punumpuno ang schedule ni Jennylyn dahil sa tapings ng teleseryeng Descendant of the Sun.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Ang Co Love concert ang unang pagsasamahang show ng magsing-irog at kasama rin sila sa producer bukod kina Quantum CEO, Atty. Joji V. Alonso at tita Becky.

Nagulat kami sa line-up ng guests dahil umabot sa 12, biniro nga namin si tita Becky na parang musical play ang peg sa rami tulad nina Carlo Aquino, Alex Gonzaga, Janno Gibbs, Kim Molina, Jerald Napoles, Nyoy Volante, Juan Karlos Band, Jay Durias, Nar Cabico, Nico Antonio at Alden Richards. Kasama rin ang spoken word artist na si Juan Miguel Severo.

Ipinadala sa amin ni tita Becky ang disenyo ng stage na gawa ni Teddy Manuel at ang ganda na naglalakihan ang led monitors on both sides na may sukat na 11.5 ft at sa gitna ay aabot sa 22.5 ft. Ang musical director ay si Adonis Tabanda ng 3rd Avenue at for TV director ay si John Pratts.

Kaya pala hindi na kakaba-kaba sina Jen at Dennis dahil kita na ang concert nila sa rami ng sponsors at binili na ng GMA 7 ang TV rights ng Co Love Live show nila.

-Reggee Bonoan