HINDI pa tapos ang isyung Sharon Cuneta at KC Concepcion at mukhang magtatagal pa dahil sinasagot ni Sharon ang mga comment ng netizens. Sa mga sagot ni Sharon, parang unti-unting nalalaman ang rason ng kanilang conflict.

Sharon1

May nag-comment kasi na hindi niya masisisi si KC kung lumalayo sa kanya (kay Sharon) dahil toxic mom si Sharon at sinabihan pa si Sharon na hindi lahat ng sama ng loob dapat pino-post. Kung gusto raw ni Sharon na makausap si KC, may ibang paraan at ‘wag puro parinig sa social media.

Sagot ni Sharon: “Kaya nga ako nag-post kasi sinagot ko lang ang post niya. She hasn’t texted either. And believe me- you have NO IDEA what’s going on so huwag magmarunong.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May pahabol pang sagot si Sharon sa netizen na “btw mas lalong di dapat binibigyan ng kahihiyan ng anak ang magulang.”

O, ‘di ba, mas nagiging curious ang netizen at kung anong ginawa ni KC na nakakahiya para sa kanyang magulang. May buwelta pa rin ang netizen na wala ngang idea ang publiko sa ginawa ni KC pero, sa ginawa ni Sharon na pagpo-post at pagpaparinig, nalaman at malalaman ng publiko kung ano ang isyu sa kanila ni KC.

May matapang na netizen na nag-comment na hindi na raw dapat nagulat si Sharon sa kinalabasan ng relasyon nila ni KC dahil ang grandparents ni KC ang nagpalaki at nag-alaga sa kanya. Busy daw si Sharon sa kanyang career at iba pang pinagkaabalahan at wala siyang time kay KC.

“I worked to put food on our table because no one was helping me. My Mom and Dad helped raise her because I had to work. Parang mga OFW kahit ayaw lumayo sa anak nagtatrabaho. Nasan siya ngayon kundi ako nagtrabaho? And I didn’t depend on my Dad and Mom except to take care of her while I was breaking my back and having no sleep to prepare for her future. And no-you’re stupid if you think that, as you say, “kiss ass to other people” (should’ve said kiss other people’s asses btw), 42 years na ako dito sa showbiz at sina Regine at Juday at iilan favourites ko lang pinopost ko about, that’s kiss-ass to you?”!”

Am retiring soon. I NEVER even when i was just starting to have to do that. Now pa?! At madami na akong awards sa bawat medium umaakting lang ako sa harap ng cameras. You can’t stand me but you can’t leave me alone when you have no idea what’s going on. And you better thank God I’m not talking about what really happened. You and your fake accounts. Pabalik-balik ka lang. Get a job. Get a life. Ayan tuloy, parang ako kinacareer mo. Tsk tsk tsk.”

Binisita namin ang Instagram (IG) ni KC and as usual, wala siyang sagot sa mga post ni Sharon. Kapansin-pansin din na nadadalas ang pagko-comment ni Gabby Concepcion sa IG ni KC

-NITZ MIRALLES