SA layuning mas mapatatag at mapalawig ang grassroots sports program sa bansa, sinimulan ng Philippine Sports Commission (PSC), sinimulan ng pamahalaan ang pakikipag-usap sa mga lider ng iba’t ibang National Sports Assopciation (NSA) upang matugunan ang ‘financial’ na pangangailangan ng mga ito.
Nais ng ahensiya na bukod sa kanilang mga programang gayang Children’s Games at Batang Pinoy, magkaroon din ng kani-kaniyang mga grass roots sports program ang mga NSAs na maisasagawa sa buong bansa.
“We want to help NSAs in their own grassroots sports programs for the country. When they conduct a strong, and effective grassroots program, they help us carry out our mandate to make sports accessible to every Filipino, and to develop a strong citizenry, not to mention creating a deep pool from which Elite sports could cull their future stars,” pahayag ni Ramirez.
Kahapon, isinagawa ang unang araw ng annual budget hearing sa tanggapan ng PSC Administrative Bldg sa Malate, Manila.
Ikinasiya naman ng pamunuan ng Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. (KPSFI) sa pangunguna ng presidente nito na si Richard Lim, ang aksyon na ito ng PSC.
“Last year, we managed to conduct training and sports clinics across Luzon, Visayas and Mindanao from our own pockets. We thank the PSC for this new development in promoting our sports in the country,” ani Lim.
Kasabay nito, tatalakayin din ang rekognisyon ng International Federation (IF) ng mga NSAs gayundin ang kanilang accreditation sa Philippine Olympic Committee (POC).
Ang unang dalawang araw ay pinangunahan ni Commissioner Ramon Fernandez kasama ang mga opisyal ng Karate, Judo, Boxing, Muay, Pencak Silat at Wushu.
Sa kabila ng pagiging abala ni Ramirez, minarapat pa rinniya na dumalo sa mga budget meetings para sa mga NSAs upang makausap din ang mga lider nito.
“We have limited resources, and we want to maximize it,” aniya.
Samanatala, natanggaap naman ni PSC Commissioner Celia Kiram ang tseke na nagkakahalaga ng P470-million buhat sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), bilang tugon sa Republic Act 6847 na pondo para sa National Sports Development Fund (NSDF) sa pamamagitan ng isang turn-over ceremony.
-Annie Abad