SA nakaraang thanksgiving party para sa media nina Senator Bong Revilla, at Bacoor City Mayor Lani Mercado ay hindi nila nakasama ang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla dahil abala pa sa bago niyang estado ngayon bilang may asawa.

Kinumusta ng press si Jolo sa magulang niya dahil nga nasanay na kapag haharap sa media ang magulang niya ay lagi siyang kasama.

Ibinahagi ni Mayor Lani ang preparasyon nina Jolo at asawang si Angelica sa kasal nila.

“Actually, na-surpass ni Jolo yung expectations namin. Kasi, pinabayaan namin silang dalawa. Sasabihin lang nila (sa akin), ‘Mama, kailangan ng ganito.’ ‘O, ‘yung bahay na titirhan natin,’ kasi hindi kami nag-rent. Pero lahat ng detalye sa wedding, sa kanila lahat yun. Lahat ng pagpaplano sila lahat yun. Meron silang bini-build na negosyo. They’re also planning out now to build their own home,” kuwento ng proud mom ng batang pulitiko.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Naikuwento rin ni Mayor Lani na bilib siya sa manugang niya.

“Ano kasi si Angel, tumindig siya na parang nanay din ng pamilya niya. Kasi, siya lang ang babae. Tapos ‘yung mother niya, hindi naman old, kasing-edad ko. Pero nu’ng mawala yung father medyo, doon lang siya (mother ni Angelica) Mindoro na nag-stay.

“But si Angel, opted to go out, may ambition siya, eh. Di ba naging beauty queen, naging model. Tapos she has brothers pa. Sila yung nasa wedding,”kuwento pa.

Hindi dumalo sa kasal nina Jolo at Angelica ang nanay ng huli.

“Mas gusto niyang nasa comfort zone siya. Kaya after Christmas, lumipad sila (Jolo at Angelica) after that pumunta na sila sa Mindoro,” saad pa ni Mayora Lani.

As of now ay nagpa-plano na kung saang lugar magpapatayo ang bagong kasal at pansamantala ay nakikitira muna sila sa bahay ng magulang.

“They’re planning out to have their own house. Ganoon din naman kami ni Sen. Bong nu’ng bagong mag-asawa, we stayed first sa bahay ng mother-in-law and father-in-law ko. Tapos after three years, we had our own house,” sambit pa ng mommy ni Jolo.

-Reggee Bonoan