MAY movie project kaya sina Bea Alonzo at Alden Richards? Namataan kasi sila sa sa Suvarnabhumi Airport o Bangkok Airport nitong Sabado ng hapon base sa post ng netizen na si Jenifer Maglangit Madridano Patagnan.

ALDEN N BEA

“My gosh... Bea Alonzo and Alden Richard at Suvarnabhumi Airport Thailand. Na starstruck lang jud ko. Gosh Nakaka in-love sobrang ganda ni maam Bea and sobrang gwapo ni sir Richard.”

Binidyo at kinunan ng maraming litrato ni Jenifer sina Bea at Alden na parehong naka-facemask habang nakapila sila sa counter dala ang kanilang hand carry luggage’s.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

At base sa bidyo ay halatang magkasama ang dalawa dahil nu’ng lumipat si Bea ng linya ay sumunod sa kanya si Alden.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay tinext namin ang taga-Star Cinema at tinanong kung may movie project ang dalawang artista pero hindi kami sinagot.

Puwedeng mayroon kasi kung wala, madali naman kaming sagutin ng, ‘wala.’ But since hindi kami sinagot, so posibleng mayroon nga dahil sa pagkakaalam namin ay may isa pang pelikulang nakatakdang gawin sa Star Cinema ang Kapuso Actor.

Dati nga may tsikang may sequel ang Hello, Love, Goodbye nina Alden at Kathryn Bernardo pero mukhang hindi na mangyayari dahil may teleseryeng gagawin ang KathNiel.

So baka kaya si Bea na ang next leading lady ni Alden?

Hmm, baka naman si Bea ang tukoy ng binata na gusto niyang ligawan?

Base sa litratong na-post, bagay naman ang Bea–Alden loveteam.

-REGGEE BONOAN