Nagtapos sa draw ang kampanya ni Pedro Taduran kontra kay Daniel Valladares upang mapanatili ang kanyang International Boxing Federation (IBF) minimumweight crown sa labanang ginanap sa Mexico kamakalawa na ginanap sa Jardin Cerveza Expo Guadalupe.

taduran

Inihinto na ang labanan matapos na aksidente na magtamo ng isang malalim na hiwa sa kanang kilay ang Mexicano challenger na si

Valladares, na siyang ikinadismaya naman ng mga manonood.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ito ang unang pagtatangka ni Taduran, na idepensa ang kanyang IBF 105-lb title, na unang round pa lamang ay naging isang mainit na

labanan na .

Bagama’t nagpatuloy sa sagupaan ang dalawang boksingero na tumagal pa ng sunod na tatlong rounds, muli namang na sinuri ng mga doktor ang

hiwa sa kilay ni Valladares at ipinatuloy ang laban sa ikaapat na round.

Ngunit habang nakapahinga sa fourth round, bago pa man tumunog ang

bell, hiningi ng referee ang abiso ng doktor gayung lumalakas ang dugo sa kilay ng Mexican boxer.

Ang judge, na si John Basile ng New York had ay may iskor na

39-37 para kay Valladares habang ang dalawang judges na sina Jonny

Davis ng California at si Ellis Johnson ng Texas, ay kapuwa may 38-38.

Gayung ang nasabing sugat ay sanhi ng aksidente, kailangan na pagdesisyunan ng hurado ang sa pamamgitan ng scorecards kung saan sinuwerte pa rin si Taduran na makakuha ng draw.

“He could have been screwed,” ani Sean Gibbons, na siyang kinatawan ni

Taduran. “But he was treated well,” ayon pa kay Gibbons.

Dahil dito nakakuha si Taduran ng record na 14-2-1 kasama ang 11 KOs habang si Valladares ay may record na 22-1.

Posibleng makalaban ni Taduran ang kapuwa Pinoy boxer na si Samuel Salva sa isang rematch.

Noong nakaraang taon, nagkasagupa din sina Taduran at Salva kung saan napigil ng una ang kanyang kalaban na makuha ang IBF title.

Kung papalarin, nais ni Gibbons na makitang mkasagupa muli ni Taduran si Valladares.

Si Taduran ay isa sa mga reigning Filipino world champions matapos sina Manny Pacquiao, Jerwin Ancajas at John Riel Casimero

-Nick Giongco