PAREHONG may teleserye sa GMA-7 sina Dina Bonnevie at Coney Reyes, si Dina ay gumaganap na ina ni Kate Valdez sa primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Si Coney naman ay gumaganap na ina nina Tom Rodriguez at Mikael Daez sa isa pang primetime drama series na Love of My Life.

Coney

One week nang umeere ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ang Love of My Life ay magpa-pilot palang sa February 3. Parehong drama ang concept ng dalawang teleserye, kaya tuluy-tuloy ang iyak nito ng viewers.

Sa mediacon ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, nabanggit ni Dina na nagkaayos na sila ni Coney at isa si Coney sa mga taong naging dahilan para maging mas malapit siya sa Diyos.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kaya hindi maiwasan na sa mediacon ng Love of My Life, tanungin si Coney ng kanyang reaction sa pahayag ni Dina. Napanood namin ang interview sa kanya ni Allan Diones at naka-up sa YT channel ni Allan. Nakinig si Coney sa tanong, pero hindi na nagkwento, gaya ni Dina at sinagot na lang ang pasasalamat sa kanya ni Dina.

“That’s nice. Huwag nang ungkatin ang nakaraan. Almost 30 years ago na ‘yun. Tahimik na ang mga tao, nananahimik na sila sa mga asawa nila,” sabi ni Coney.

Pati ‘yung pag-credit ni Dina kay Coney sa pagiging Christian ni Dina, matipid ang sagot ni Coney. “Maraming salamat, pero ‘di lang naman isang tao ang nakatulong sa kanya.”

“I wish her well. She’s always been nice to me,” ang sagot ni Dina sa ipinarating sa kanya na panay good words na sinabi ni Dina sa kanya.

Medyo nangiti si Coney sa nabanggit nina Allan na kuwento ni Dina na binigyan siya ng ensaymada ni Coney nang magkita sila sa shoot (shoot yata ng Station ID ng GMA-7).

“Like I said, ‘wag na natin ungkatin ang nakaraan. If I say something... Aren’t you happy for us. Tumahimik na lang tayo,” sagot nito.

Anyway, sa Love of My Life, si Coney ay si Isabella, mother nina Stefano (Tom) at Nikolai (Mikael). Mataray siya at hindi pabor kay Adelle (Carla Abellana) na maging

wife ni Stefano. Sa direction ni Don Michael Perez, be ready with your handkerchief if you watch the teleserye dahil maraming iyakan.

Gusto lang namin i-congratulate ang production staff at ang buong cast, ang ganda ng Love of My Life, ang ganda ng visual at parang pelikula sa ganda ang technical aspect nito.

-Nitz Miralles