IPINAGDIRIWANG ngayong araw, Enero 25, ng Simbahang Katoliko ang Feast of the Conversion of Saint Paul, kilala bilang Apostle of the Gentiles, bilang pasasalamat sa Diyos, sa miraculous conversion ng revered saint – mula sa buhay na makasalanan patungo sa kabanalan.

Kilala bilang may-akda ng Letters of St. Paul sa Bagong Tipan, na kalimitang binabasa sa Liturgy of the Word sa misa, pangungunahan ng Paulinian communities ang pagdaraos ng misa sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang Pilipinas bilang pagkilala sa kabilang patron at tagapagtatag.

Hinihikayat ng Simbahan ang mga mananampalataya na sumunod sa halimbawa nito bilang “true model for sinners for true conversion, and as an inspiration that any sinner may be forgiven no matter how terrible his sins.”

Ipinanganak sa Tarsus, Turkey, si St. Paul, na kilala noon bilang Saul, ay isa sa pinaka tinitingalang persecutors ng mga Kristiyano. Kinatatakutan siya para sa kanyang pagiging bayolente, lalo’t pinahihirapan niya at nililitis ang mga tagasunod ni Kristo, kabilang na si St. Stephen the martyr, na binato hanggang mamatay.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Jesus sent him the gift of the Holy Spirit (Act 9:18)” at pinangalan siyang Paul upang ipakita ang pagbabago niya. Kasama ni St. Timothy, nangaral sila sa buong Asya at Greece kung saan sila nakapagtayo ng maraming simbahan

-CHRISTINA I. HERMOSO