PANGUNGUNAHAN ni Woman Grandmaster (WGM) Janelle Mae Frayna ang mga bigating kalahok sa pagtulak ng 3rd Chooks-to-Go National Rapid Chess Championships ngayon sa Exhibition Hall 5/F, Ayala Malls Manila Bay, Diosdado Macapagal Avenue, corner Aseana Avenue sa Paranaque City.

Laylo

Laylo

Ang opening ay magsisimula sa ganap na 10:30am.

Ang dating Far Eastern University chess standout ang paboritong kalahok sa 1-day rapid tournament dahil na rin sa maganda niyang achievement kamakailan sa 2019 Manila Southeast Asian Games.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Si Frayna kasama sina Woman International Master (WIM) Catherine Perena Secopito at Woman Fide Master (WFM) Shania Mae Mendoza ay nagbulsa ng silver sa women’s division chess team problem solving event (demonstration sports).

Ang naturang event ay itinataguyod nina Philippine Executive Chess Association president Dr. Alfredo “Fred” Paez at Rotary Club of Nuvali president Christopher Sarmiento na suportado naman ni Bounty Agro Ventures Inc. president Ronald Daniel Ricaforte Mascariñas sa pakikipagtulungan ng Paranaque City government at ng Ayala Malls may pabuyang top purse P20,000 sa magkakampeon sa Open division.

Ang iba pang notable masters participants ay sina IMs Ronald Bancod, Daniel Cuizon at Michael “Jako” Concio Jr. at FM Christopher Castellano.

Nakalaan sa second hanggang fifth placers ang tig P10,000, P7,000, P5,000 at P3,000 , ayon sa pagkakasunod habang tig P2,000 naman sa sixth hanggang 10th placers.

Tampok din ang Executive division, Junior division at Kiddies division kung saan ang magwawagi ay tatangap ng tig P12,000, P7,000 at P5,000.

Makipag-ugnayan kina Dr. Alfredo “Fred” Paez sa 0921-272-8172 at Engr. Bren Sasot sa 09178713693 para sa dagdag detalye.