swim

PH FUTURE SWIM STARS! Nagpamalas ng impresibong kampanya ang mga miyembro ng Swimming Pinas Swim Club (mula sa kaliwa) Marcus Johannes De Kam, National junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh, Ysabelle Julia Basa, PH junior record holder Hugh Antonio Parto at Jordan Ken Lobos sa katatapos na Singapore Swimming Series 1 sa OCBC Aquatics Center sa Lion City. Nalagpasan ni De Kam ang personal best 4:18.00 sa langoy na 4:11.31 para sumegundo kay Ephiram Tan (4:09.11) sa men’s 400-meter freestyle ng 15-17 class, habang naitala ni Lobos ang personal best na 1:07.17 sa 100-meter breast ng 15-17 class. Naibaba rin ng 13-anyos na si Parto ang personal best (2:18.00) sa bilis na 2:16.54 para pangunahan ang 200-meter butterfly ng men’s 13-over class. Ayon kay Swim Pinas founder at tumayong team manager na si Joan Mojdeh, walang medalyang nakataya sa torneo, ngunit may nakalaang ranking points para magkwalipika sa susunod na serye. Aniya, bahagi ang international campaign para mabigyan ng sapat na karanasan ang mga batang swimmers para sa kanilang paghahanda sa pagsabak sa malalaking torneo, kabilang ang ASEAN age-group championship.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3