MATAMLAY ang karera ng stage actress dahil mangilan-ilan lang naman ang show na kasama siya kahit na gaano pa siya kagaling o kahusay sabi nga ng mga kasamahan niya sa teatro.

Nabanggit sa amin ng kaibigan ni stage actress na nagpa-planong mangibang bansa para hanapin ang kapalaran tulad ng ibang umalis na rin.

“Ang tagal niyang naghintay ng offer sa TV series, wala naman. Nakasama siya noon sa (teleserye), ‘di ba? Hindi naman siya bida, support lang,”say sa amin ng kaibigan ng stage actress.

Feeling kasi ni stage actress nu’ng naging boyfriend niya ang aktor ay bitbit siya sa pagsikat nito, pero hindi nangyari kasi nga may ugali pala siya na nadiskubre sa production, kaya hindi na nakaulit sa teleseryeng nilabasan.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Maging ang aktor ay hindi rin nakatagal sa ugali ni stage actress kaya ang ending wala na sila at ayaw na nga ring marinig ng una ang pangalan ng dating karelasyon dahil iniiba nito ang topic.

As of now ay masaya si aktor sa bago niyang girlfriend at si stage actress ay wala kaming balitang may dyowa.

“Lola mo kasi feeling magaling talaga,” sambit ng kaibigan ni stage actress.

In fairness naman, magaling naman si stage actress, ‘yun lang wala siyang pr kaya hindi niya nakuha ang simpatiya ng media nu’ng maghiwalay sila ng aktor.

-Reggee Bonoan