NAGLINIS ng kanyang Instagram (IG) si Julia Barretto, nakakapagtaka lang kung bakit photos lang nina Gerald Anderson at Joshua Garcia ang kanyang dinelete. Ang iniwan lang ni Julia ay ang photos nila ni Gerald na promo ng movie nilang Between Maybes.’

Joshua Julia Gerald

Bago ang pagde-delete ni Julia ng photos nina Joshua at Gerald, in-unfollow na niya si Joshua pati ang best friend niyang si Janella Salvador na nakapareha ni Joshua sa The Killer Bride.

Sabi ng netizens, baka pati si Maja Salvador i-unfollow ni Julia (kung pina-follow niya) dahil sa pagbibiro ni Maja na pina-push niya sina Joshua at Janella. Sa party ng The Killer Bride, nagbiro si Maja ng “Kaka-push ko. HUU MAA-UNFOLLOW AKO NITO HAHAHAHAHAHA.”

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Ibig sabihin, alam ni Maja na nag-a-unfollow si Julia ng mga kaibigan niya sa IG at siya lang ang nakakaalam kung bakit.

-Nitz Miralles