NASA higit 2,000 magsasaka mula sa Ilocos Norte ang nakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P5,000 mula sa Department of Agriculture.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga naapektuhan ng mababang presyo ng palay dahil sa pagpapatupad ng pamahalaan ng Rice Tariffication Law.

Nagmula ang unang batch ng mga benepisyaryo sa Laoag, Bacarra, Badoc at Solsona. Sa Ilocos Norte, pinili ang mga bibigyan ng tulong sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng DA sa lokal na pamahalaan kung saan napili ang nasa 19,000 benepisyaryo ng Rice Farmers Financial Assistance Program.

Nitong idinaos ang pamamahagi sa Ilocos Norte Centennial Arena na pinangunahan ni Lucrecio Alviar Jr., DA Regional Director.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Hindi po ito pautang. Ito ay dagdag ayudang pinansyal para sa mga Ilokanong magsasaka,”pahayag ni Alviar sa mga magsasaka.

Sa ilalim ng direktiba ng Duterte administration, lumagda ang DA, kasama ang Land Bank of the Philippines (LandBank), at Development Bank of the Philippines (DBP) ng isang memorandum of agreement noong Disyembre 2019, kung saan naglaan ng P3 billion para sa RFFA program upang mabigyan ng tulong ang nasa 600,000 magsasaka sa buong bansa.

“We are thankful for the cash assistance. This will help us in our needs,” pahayag ni Robert Jose isa sa mga benepisyaryo.

Mula naman ang inisyal na pondo ng programa sa labis na kita ng pamahalaan. Ngayong taon, panibagong P3 bilyon ang inilaan sa programa, na hahatiin sa Landbank at DBP para sa pamamahagi ng 300,000 magsasaka.

Sa susunod namang taon, magmumula ang gagamiting pondo sa taripa.

PNA