GINIBA ng National University-Nazareth School ang Ateneo High School, 81-78, nitong Linggo sa UAAP Season 82 Boys’ Basketball Tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

MAINIT at naging dikdikan ang duwelo ng FEU at Adamson sa UAAP Juniors eliminations.

MAINIT at naging dikdikan ang duwelo ng FEU at Adamson sa UAAP Juniors eliminations.

Naisalpak ni Carl Tamayo ang dalawang free throw para sa 81-78 bentahe ng NU may 4.8 segundo sa laro. Sumablay ang desperation three-pointer ni Joaquin Jaymalin sa buzzer para makalusot ang Bullpups para mapanatiling malinis ang karta sa 8-0.

“Marami kaming hindi magandang decisions noong first half hanggang third quarter and our defense was really bad, lalo na sa ball screens nila,” pahayag ni NU coach Goldwin Monteverde.

Philippine Dragon Boat Team, sumungkit ng 8 ginto sa World Championship!

Naghahabol sa 78-79, nasayang ang pagkakataon ng Ateneo na maagaw ang bentahe nang sumablay ang dunk ni Lebron Lopez may 57 segundo sa laro.

Mula sa 42-45 iskor sa third canto, naibaba ng Bullpups ang 16-1 blast, tampok ang jumper ni Ernest Felicida para sa 56-46 bentahe.

Nanguna si Terrence Fortea sa NU na may 17 puntos, habang kumana sina Felicida ng 12 puntos, pitong rebounds at apat na assist.

Hataw naman si Forthsky Padrigao sa Ateneo sa naiskor na 22 puntos, habang humirit si Lopez ng 17 marker.

Naitala naman ng Far Eastern University-Diliman ang ikapitong sunod na panalo nang malagpasan ang Adamson University, 67-59.

“Kailangan namin ayusin yung killer instinct namin. Good thing, maganda yung simula namin pero dapat may killer instinct kami, hindi pwedeng wala lalo na sa mga teams like Adamson,” sambit ni Baby Tamaraws coach Allan Albano.

Kumubra si Penny Estacio ng 25 puntos at apat na rebound, habang tumipa si Chiolo Anonuevo ng 12 marker, apat na board, at limang assist para sa FEU (7-1).

Nanguna si Joshua Barcelona sa Adamson na may 17 puntos.

Nagwagi naman ang University of Santo Tomas laban sa University of the East, 90-63.

Sa iba pang laro, nagwagi ang La Salle-Zobel sa University of the Philippines Integrated School, 94-81.

Nanguna si Kean Baclaan sa naiskor na 18 points, 12 rebounds, at five assist, habang kumikig si John Quimado na may 17 puntos para sa Junior Archers (3-5).

Iskor:

(Unang Laro)

UST (90) - Montemayor 19, Lina 13, Escoto 12, Refuerzo-Cortez 9, Ascutia 7, Villarez 7, Maliwat 6, Bugarin 5, Salazar 4, Biag 2, Calivozo 2, Javier 2, Oliva 2, Bautista 0.

UE (64) - Montecalvo 16, Cruz 10, Pelipel 9, San Juan 6, Mara 5, Marasigan 5, Montecastro 5, Ortiz 5, Peralta 2, Cabili 0, Caliwag 0, Castillo 0, Serrano 0.

Quarterscores: 20-14, 37-32, 66-51, 90-63.

(Ikalawang Laro)

FEU-D (67) - Estacio 25, Anonuevo 12, Bautista 11, Padrones 7, Pasaol 6, Saldua 4, Libago 2, Bagunu 0, Basilio 0, Buenaventura 0, Sleat 0.

AdU (59) - Barcelona 17, Erolon 13, Figueroa 8, Abdulla 7, Hanapi 5, Nitura 4, Ignacio 2, Tulabut 2, Quinal 1, Dubouzete 0, Ocangcas 0, Timbancaya 0.

Quarterscores: 22-17, 36-28, 59-43, 67-59.

(Ikatlong Laro)

DLSZ (94) - Baclaan 18, Quimado 17, Dalisay 14, Macasaet 10, Omer 10, Cudiamat 8, Unisa 7, Tupas 6, Del Mundo 2, Milan 2, Luna 0, Melecio 0, Reyes 0.

UPIS (81) - Torres 29, Gomez de Liano 20, Torculas 11, Canillas 10, Dimaculangan 9, Jacob 2, Avinado 0, Lopez 0, Morelejo 0.

Quarterscores: 13-23, 42-45, 70-64, 94-81.

(Ikaapat na Laro)

NU-NS (81) - Fortea 17, Felicilda 12, Quiambao 12, Alarcon 9, Abadiano 7, Tamayo 7, Songcuya 5, Buensalida 4, Torres 4, Enriquez 2, Mailim 2, Abiera 0, Laure 0, Tulabut 0.

AHS (78) - Padrigao 30, Lopez 17, Lazaro 10, Jaymalin 9, Ladimo 4, G. Salvador 4, Rubiato 2, Espinosa 1, Pangilinan 1, De Ayre 0, Nieto 0, M. Salvador 0.

Quarterscores: 21-22, 40-40, 65-57, 81-78.