PATI ang artist friends ni Mark Bautista nanghinayang sa ibinalita nitong baka napalampas niya ang pagkakataon to play Aladdin na dream role pala ng singer/actor.

Mark

Nakatanggap pala ng e-mail si Mark for him to play Aladdin, kaya lang hindi agad nabuksan ni Mark ang kanyang e-mail.

“Hello, I am writing with appointment for a possible future replacement for the principal role of ‘Aladdin’ in the Broadway company of Disney’s Aladdin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

WEDNESDAY, JANUARY 8th

3:30pm-MARK BAUTISTA

This will be a work session with casting as 1pm. and then we will have him return at 2pm for the full team. He should plan to stay with us until 2:30pm.

Location: Pearl Studios, 500 8th Ave. 12th Floor , NYC

This appointment ill be with Scott Taylor (Associate Director), Aron Accurso (Music Director) and Felicia Rudolph (Casting).”

Napa-comment tuloy si Mark ng “WHY OH WHY!! Just opened this email now (January 10) Nanghina ako...:(:(:( #AladdinDream.”

Sa pagbabasa sa comments, may nag-suggest kay Mark na i-email niya ang nag-email sa kanya na ginawa raw niya pero, wala pang sagot. May nagpayo sa kanya na sabihing na-trapik siya sa EDSA at sina Rochelle Ann Go at Kyla Rivera, pareho ang payo for him to email back.

Aminado si Mark na kasalanan din niya dahil dalawa an email address niya at naipadala ang email sa email address niya na hindi niya yata binubuksan ng madalas. Lesson learned ito sa kanya na buksan na ang dalawa niyang e-mail to check.

Sabagay, hindi naman nababakante si Mark halimbawang hindi na niya mahabol ang Aladdin. Kasama siya sa cast ng musikomedya ng GMA-7 na All-Out Sundays na sa pilot airing, pinalakpakan siya ng mga kasama sa show sa husay na kanyang ipinakita.

Hindi rin siya nawawalan ng gig dahil sa February 1, 2020, makakasama niya sina Christian Bautista at Aicelle Santos sa pre-Valentine show billed 1 for 3 na gagawin sa The Theater at Solaire. For sure, may mga susunod pang show na gagawin si Mark dahil ang magaling na gaya niya ay hindi nawawalan ng gig.

-NITZ MIRALLES