HINDI na nakapagpigil at naglabas na ng pahayag ang aktres na si Nadine Lustre hinggil sa umano’y paghihiwalay nila ng aktor na James Reid.

nadine at james

Tila hindi rin nagustuhan ni Nadine ang artikulong isinulat ng beteranong entertainment editor and columnist na si Ricky Lo para sa The Philippine STAR, na nabanggit niya sa kanyang pahayag sa pamamagitan ng Instagram stories.

Nakasaad umano sa artikulo na kinumpirma ni Ricky ang balita ni Jojo Gabinete sa PEP.ph na hiwalay na sina Nadine at James.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Umalis na rin umano si Nadine sa kanilang tinitirhan sa Quezon City, at kasalukuyang nakatira ang Kapamilya star sa isang posh na condominium sa Makati City.

Sa printed edition ng artikulo, maayos daw na dinadala ni James ang breakup dahil umano sa “mental illness” ni Nadine.

Sa Instagram Stories naman ni Nadine sinabi nitong: “First off, that was so low@therealrickylo@Philippine Star.

“Second, none of what you said was true & It is NEVER okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental Illness is a very sensitive matter.”

“& last, you think you know so much abt me, you can’t even get my last name right. ANU NA, 2020 NA!!”

-ADOR V. SALUTA