NGAYONG Tuesday, January 7, magtatapos ang 45th Metro Manila Film Festival, sa mga cinemas nationwide. Maaari rin namang may ilang pelikula pang mai-extend ang showing sa ilang sinehan.
Kahit unofficial ang latest box-office report mula sa walong official entries na naglaban-laban simula pa noong Christmas day, December 25, nangunguna pa rin ang entry ng Viva Films na Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach.
Narito ang unofficial box-office report as of January 4, 2020:
Miracle in Cell No. 7 – P350million; The Mall The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis – P 304 million; 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon nina Coco Martin, Ai Ai delas Alas at Jennylyn Mercado – P 85 million; Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza – P 70 million; Sunod ni Carmina Villarroel – P 20 million; Mindanao ni Judy Ann Santos – P 15 million; Write About Love nina Rocco Nacino at Miles Ocampo – P 5 million at Culion nina Iza Calzado – P 4 million.
Sa pagtatapos ngayon ng MMFF, tiyak na maglalabas na rin ng official box-office report ang Executive Committee, at sana ay mas tumaas pa ang income nila after ng January 4.
-NORA V. CALDERON