MUKHANG napaso ang kilalang movie producer sa magaling na direktor dahil hindi na nasundan ang pelikulang ginawa niya ilang taon na ang nakararaan kahit pa kumita at nakakuha ng awards dahil hindi nagustuhan ang work ethics niya.

“Masungit at sariling kapakanan lang iniisip!” ito ang diin ng aming source sa nasabing direktor.

Baka nga lang kasi sobrang perfectionist kaya siguro nasabihan ng ganito si direk e, teka, hindi ba’t pabor sana ito sa producer kapag ganito ang ipinapakita ng direktor, ibig sabihin concerned sa pelikula niya?

Ilang beses na rin naming nakapanayam ang direktor na bida sa blind item namin at base sa pananalita at obserbasyon namin ay perfectionist nga siya at inamin din niyang lagi niyang pinauulit ang eksena kapag hindi ito pumasa sa panlasa niya kesehodang magtagal sila at minsan ay nagagalit siya.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Ito naman ang isa sa hindi nakapasa sa producer dahil magastos kung tutuusin ang direktor na paano pala kung limitado ang budget at ilang shooting days lang dapat tapusin ang pelikula?

Personally, napansin din naming tila may nabago na sa ugali ni direk kasi dati lagi siyang nakangiti kapag nakikita namin pero ngayon hindi na ngumingiti at tila umiiwas na sa media.

Hmm, nakakabago ba ng ugali kapag blockbuster ang mga pelikula?

-Reggee Bonoan