MATINDING pinabulaanan ng ilang taong malapit kay Nadine Lustre ang mga balitang hiwalay na sila ng boyfriend niyang si James Reid tulad ng mga nasusulat nitong pagpasok ng 2020.

Jadine_ reggee

May nabalitang umalis na si Nadine sa bahay nina James at bitbit nito ang mga gamit. Inamin naman ng JaDine na nagsasama na sila sa iisang bahay.

Mas lalong uminit ang usapan sa mga mysterious post ni Nadine sa kanyang Instagram account tulad ng litratong naka-bikini siya na may caption, “I can’t be who you want”, litrato ng apat na taong nasa beach, “no questions, just go with it” at silhouette picture na overlooking ang buong siyudad, “for good reason, lost of all my love.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kung ia-analisa nga naman ang mga caption ng aktres ay puwedeng totoong hiwalay na nga sila ni James.

Pero sa ginanap na ABS-CBN countdown nitong Enero 31 sa Eastwood City ay nakausap ni TV Patrol correspondent MJ Felipe si James na isa sa performers at tinanong kung saan sila magse-selebra ni Nadine ng New Year’s Eve.

Tweet ni MJ, “When asked where to after, James said their group is having a celebration to welcome the new year together with his girlfriend Nadine Lustre, somewhere in Rockwell Makati.”

At sakto nga, magkasama ang JaDine sa pagsalubong ng Bagong Taon, 2020 dahil may mga litratong pinost ang kanilang supporters na nangangalang @stamiNadya at @AlexxEdrolin kasama ang ilang kaibigan nila.

Samantala, mula naman sa mapagkakatiwalaang source ay hindi totoong hiwalay na sina Jadine at Nadine dahil ang totoo ay sobrang in love ang dalawa sa isa’t isa.

Matatandaang gagawa ng teleserye si James kasama ang K-Pop star na si Nancy Mcdonie ng Momoland na may titulong Soulmate ay hindi na ito matutuloy dahil ayaw ng aktor.

Kuwento sa amin, “Ayaw ni James gawin ang serye kung hindi rin lang si Nadine ang partner niya. ‘Yung pagpunta niya sa storycon ng Soulmate, akala niya meeting lang, pag-uusapan ang next TV project niya, hindi niya alam na plantsado na.”

Wala na sa Viva Artist Agency si James kaya siya na mismo ang nagde-desisyon kung ano at gusto niyang gawin.

Sa kabilang banda suportado naman ni Nadine si James anuman ang gusto nitong gawin sa career niya, pero hanggang doon lang dahil naka-kontrata ang aktres sa Viva at hindi siya puwedeng mag-desisyon nang walang pahintulot ang talent management niya.

Hmm, baka naman itong si Nadine ay plano na ring umalis ng Viva? At hindi kaya ang sinasabing nag-alsa balutan siya ay sa nagma-manage ng career niya?

-REGGEE BONOAN