NAGPAHAYAG ng kanyang opinyon si Robin Padilla kung bakit hindi si Aga Muhlach ang nanalong best actor sa katatapos na 2019 Metro Manila Film Festival. Pati kasi sa Instagram (IG) ni Robin, may mga nagko-comment na dapat si Aga ang nanalong best actor dahil sa mahusay na pagganap sa role ni Joselito Gopez sa Miracle in Cell No. 7.
Sabi ni Robin: “Sa akin opinyon baka dahil adaptation po kasi ang Miracle kaya nahirapan po ito lumusot sa criteria ng mga masusing artist at jurors pero sigurado po ako sa kanilang puso ay nagmarka ang miracle God willing may ibang award giving bodies pa naman kay sa ngayon ay ipagdiwang muna natin ang tagumpay sa takilya ng pelikula ni Mr. Aga total alam naman natin lahat na best actor of all time si Muhlach. Suportahan rin natin ang pelikulang Mindanao mga kababayan panoorin din natin kung bakit nanalo ito ng maraming awards in shaa Allah.”
Sinundan pa ito ng isang post ni Robin: “Mr. Aga is a reasonable man i know he is very happy for that young actor from the movie Mindanao. Congratulations mr muhlach again you have ruled the box office and set a new trend to our moviegoers and the entertainment world. Mabuhay ka Pare ko at pagpupugay sa sultan ng Viva Films boss Vic del Rosario.”
May komontra kay Robin at ang sabi, “Mr. Allen Dizon is not a young actor. He has won awards, nominated to various award-giving bodies locally and internationally. From the movies he starred in over the years.”
Naparangalan na si Allen at tama si Robin, may iba pang award-giving bodies na maaaring kumilala sa husay nang pagganap ni Aga sa Miracle in Cell No. 7.
-NITZ MIRALLES