GINULAT na naman ni Lovi Poe ang supporters niya nang i-post ang photo niya suot ang two-piece swimsuit na nagpakita na naman ng kanyang kaseksihan. Hindi nga nakapagpigil si Alessandra de Rossi na nag-comment ng “Teka lang! Hindi ko na kaya yan cyst!

Lovi

Pati nga si 2018 Miss International PH na si Atisha Manalo, hindi napigilang mag-comment ng “Grabe!!!”at ang iba gaya nina Lovely Abella at Chie Filomeno,

emoticons na lang ang naging reaction. Wala na silang masabi sa kaseksihan ni Lovi sa suot nitong swimsuit.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Actually, hindi ‘yun ang pinakaseksi post ni Lovi sa kanyang IG, marami na rin siyang pinost na natutulala ang kanyang followers. Naalala namin, nag-post na si Lovi ng photo niya na topless siya, hindi lang nasilip ang boobs dahil naka-side view siya. Pero parang wala ring suot na underwear na again, hindi siya masilipan dahil naka-side view.

Nang tanungin nga naman kung may suot siyang underwear sa photo, “secret” ang sagot at hindi talaga sinagot ang aming tanong. Marami ng sexy photos na pinost si Lovi, pero nagugulat pa rin ang followers niya ‘pag may pinost siyang bago.

Speaking of Lovi, sa Los Angeles, California siya nag-spent ng Christmas sa piling ng British producer BF niyang si Monty Blencowe. December 31 na ngayon, nasa Los Angeles pa rin si Lovi at mukhang doon na rin sasalubungin ang Bagong Taon.

Samantala, mapapanood na uli si Lovi sa teleserye ng GMA-7, ito’y sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday bilang ang batang si Dina Bonnevie. Sa Laoag, Ilocos Norte kinunan ang ibang eksena ni Lovi sa rom-com series na bukod kay Dina, bida rin sina Snooky Serna, Barbie Forteza, Kate Valdez at Jay Manalo.

-Nitz Miralles