HAYAN, inamin na nina Arjo Atayde at Maine Mendoza kung kailan ang anibersaryo nila bilang mag-boyfriend/girlfriend, December 22 base sa post mismo ng dalaga sa kanyang Instagram account na litrato nila ng aktor na nasa yate at habang nakahawak sa beywang niya, “happy first (heart emoji).”

Maine at Arjo

Sinagot naman ni Arjo ng, “I’m crying, I love you (heart emoji).

Umabot naman sa 312k likes at 7,525 positive well-wishers sa dalawa. Nakakatuwa dahil simula nu’ng aminin ni Maine ang relasyon nila ni Arjo sa isang event ay unti-unting nawala na ang hibangers bashers dahil siguro wala na silang magawa at tanggap na nila ang katotohanan.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Samantala, nag-post din si Arjo sa kanyang IG account ng silhouette picture na nasa tabing dagat sila ni Maine na ang caption, “Thank you for everything, babs. Happy first anniversary!!! I love you (heart emoji).” Umabot naman sa 88.2k likes at 2,089 comments na puro pagbati sa dalawa.

Matatandaang nagdi-date sina Arjo at Maine ng magsama sila sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles noong 2018 at tatlong araw bago ang Pasko sinagot ng aktres ang aktor, Disyembre 22.

Akalain mo, naka-isang taon na pala ang dalawa at kailan lang pormal na inamin ito ni Maine kahit na madalas silang nakikitang lumalabas na ni Arjo.

Hangad namin ang inyong walang hanggang kaligayahan, ArMaine!

-REGGEE BONOAN