NAGING bahagi na ng Pasko ni Kapuso actor Alden Richards sa kanyang pamilya ang magkaroon ng Christmas vacation sa ibang bansa taon-taon. Kung noong una ay sa Amerika sila pumunta, last year ay sa Japan naman sila, pero ngayon, sa South Korea naman ang destination nila. Medyo nga lamang malungkot din si Alden dahil hindi na nila kasama ang lolo at lola nila, dahil baka hindi na nila kayaning ang masyadong malamig na klima sa South Korea. Kasama niya ang Daddy Bae niya, sisters Ryza at Angel.

Alden South Korea, August 2019 (1)

Gustong dalhin ni Alden ang pamilya niya sa South Korea matapos niyang makita ang kagandahan nito nang pumunta siya roon last August para tumanggap ng Asian Star Prize mula sa Seoul International Drama Awards. Nakapag-stay lamang ng three days doon si Alden kaya hindi niya nakitang lahat ang kagandahan ng South Korea kaya promise niya sa sarili na babalik siya ngayong Christmas doon, kasama ang family niya. Nang una kasing makapunta si Alden sa South Korea, lay-over lamang siya papuntang Toronto, Canada for a show at ni hindi siya nakalabas ng airport.

“Susulitin ko na ang ilang araw namin doon para mapasyalan ang mga magagandang lugar doon,” sabi ni Alden. “Pero babalik din po ako agad, sa December 27, narito na ulit ako, dahil paghahandaan ko naman ang GMA New Year’s Countdown na gaganapin sa SM Mall of Asia. Naipangako ko na po itong gawin taun-taon simula nang isama nila ako noon, time pa ni Master Showman, si Kuya Germs.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Last Friday, December 20 naman nag-last taping day si Alden for 2019, para sa inspirational drama series niyang The Gift. Balik-taping sila on January 3, 2020 after his birthday on January 2, 2020

-NORA V. CALDERON