SA wakas nagsalita na si Maine Mendoza kung anong mayroon sila ni Arjo Atayde base sa panayam nito sa isang event kung saan tinanong siya kung anong level na ang relasyon nila ngayon mula sa scale of 0-10 at sinagot niya ng 14. Ibig sabihin mas higit pa sa inaasahan ng lahat kung anuman iyon.

Maine

“Mararamdaman mo naman ‘yun!” masayang sagot ng dalaga.

Marami pa rin kasing hibangers bashers na naniniwalang sina Maine at Alden Richards pa rin at hindi totoo ang kay Arjo na pinagbintangang nakikisakay sa kasikatan ng dalaga.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nabanggit naman ni Maine na hindi naman sila nagkulang n i Alden na palalahanan ang kanilang supporters na magkaibigan lang silang dalawa pero marami pa rin ang hindi naniniwala.

Kaya nga hibangers bashers kasi naniniwala sila sa gusto nilang paniwalaang mali naman.

Natanong din ang dalaga kung gusto niyang maka-trabaho ang boyfriend na si Arjo, “kung may pagkakataon, why not?”

Thankful na ngayon si Maine dahil marami ng sumusuporta sa relasyon nila ni Arjo, “kasi marami rin akong tagasuporta na supportive rin sa personal life ko kaya natutuwa ako kasi pati ‘yun (Arjo) sinusuportahan nila at minahal nila ‘yun,”magandang ngiti ng aktres.

Base sa napanood naming panayam kay Maine sa Youtube ay halatang masaya at kinikilig siya kapag nababanggit ang personal life niya at pangalan ng kasintahang si Arjo.

Natawa kami sa tanong kung kinonsider si bossing Vic Sotto na maging ninong sa kasal kung sakali, “kahit naman po sinong makatuluyan ko hindi puwedeng hindi makasama si bossing sa mga ninong ko.”

At dahil sa pahayag na ito ni Maine ay natanong na kung may usapan na sila ni Arjo tungkol sa future nila.

“Nag-uusap na rin kami tungkol sa future kasi tumatanda na rin ako, siya (Arjo), he just turned 29,” saad ng dalaga.

At ang marrying age ni Maine, “25, ha, ha ,ha so next year, ha, ha. Hindi mahirap kasi kaming magkakapatid kasi sunud-sunod. Next year kasi ‘yung kuya ko muna, tapos ‘yung isa ko pang ate tapos ako na, so siguro sa tingin ko mga 28, marrying age ko (3 years na lang).”

Muling tinanong si Maine kung hindi naman naiinip si Arjo na maghihintay pa siya ng ilang taon?

“Hindi naman, sobrang patient naman ng taong ‘yun sa lahat ng bagay,” sabi ng aktres.

Si Arjo na ba ang ‘the one?

“Siyempre hindi naman tayo magsasayang ng oras ‘di ba sa mga taong hindi natin gustong makasama at makatuluyan,” diretsong sagot ni Maine.

Hayan maliwanag pa sa liwanag ng buwan ang mga pahayag ni Maine na boyfriend niya si Arjo at ang aktor din ang gusto niyang makatuluyan in the future.

Inamin na rin ni Maine na siya ang nag-initiate ng dinner kasama ang pamilya ng aktor na hindi naman pinaniniwalaan ng hibangers bashers ng i-post ng nanay ni Arjo na si Sylvia Sanchez ang litratong magkakasama sila sa hapagkainan na ginanap sa fine dining restaurant.

Kesyo in-edit lang daw iyon ni Ibyang at kung anu-anong pagbibintang pa ang pinagsasabi laban sa aktres.

“Napag-usapan po kasi namin (Arjo) kasi hindi na nasundan ‘yung na-meet ko ang parents niya kasi sume-segue ako sa two movies hanggang sa nabanggit ko kay Arjo na, ‘eto na may free time na, dinner na tayo,” kuwento ng dalaga tungkol sa kontrobersyal na dinner with the Atayde family.

Kumportable na rin si Maine na pag-usapan ang lovelife niya ngayon, “e, wala naman po kasing dapat itago,” mabilis nitong sagot.

-Reggee Bonoan