FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Balita kahapon tungkol sa pag-amin ni Maine Mendoza na pormal na ang relasyon nila ni Arjo Atayde at hindi lang sila ‘dating status.’ Nabanggit na ng dalaga na ang aktor na ang gusto niyang makasama habambuhay.

Maine at Arjo

Akala namin ay makakatanggap na naman kami ng negative messages sa sinulat namin, kabaligtaran pala dahil ang daming positibong comments na nagsabing gusto rin nilang magkatuluyan na sina Arjo at Maine.

Lagi naming sinusulat na hibangers bashers ang mga may ayaw kay Maine at may nagpadala ng mensahe sa amin, “Good afternoon Reggee, iilan na lang po ang hibangers bashers na binabanggit ninyo dahil kaming mga certified supporters nina Maine at Alden (Richards) ay tanggap po na hindi talaga sila.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Open minded naman kami kung sino ang gusto ni Maine ay susuportahan namin. As an Aldub supporter here, alam namin ang totoo, I just don’t understand why others cannot accept the truth that Alden and Maine were just friends. Hindi ko nga rin masasabing ‘good friends’ kasi when they see each other ‘hello’ lang naman ang batian nila. Sorry if I won’t give my real identity because ako naman ang iba-bash ng mga kasama ko, gusto ko lang ituwid ang dapat.”

Indirect na nabanggit sa amin ng nagpadala ng mensahe na may taong nagsasabi kung ano ang dapat nilang isulat o i-post sa social media para i-bash si Arjo na hindi bagay kay Maine at kung anu-ano pa.

Samantala, nabasa rin namin sa comments section ng video interviews ni Maine na binabati siya sa pagiging totoo at pag-amin kung anong mayroon sa kanila ni Arjo ngayon at ilan lang ang isinama namin sa write-up.

“@daylinonodera, Mas lalong nagustuhan ko ang Maine Mendoza na ito. Di kailangan mag sinungaling para makahakot ng fans. Stay inlove Maine and Arjo.”

“@Lina Legaspi, Aldub fan ako since July 2015. Pero mas hinangaan ko Maine ngayon dahil nagpakatotoo siya, ayaw niyang lokohin ang Aldub fans ng matagal. Hindi siguro naging sila ni Alden, on screen lang talaga, maraming lalake ang na bashed dahil kay Maine, Si Arjo ang tiniis lahat ang mga below the belt na bashing, mahal siguro niya talaga si Maine.”“@Josefina Cabrera, Etiquette na ‘yung was napakasakit para sa aldubnation sobra2 out na ako nanghinayang ako di na ko magbibigay ng comment o na nood ng youtube regarding to Maine and Alden at di rin ako magbibigay ng di magandang comment. I shall be stop muna being a fan of aldub but I’m fine I still watch Eat Bulaga kasi wala pang aldub fans, Eat Bulaga na lagi all maski dun o wala sina Alden at Maine, I’m still Eat fans di na mababago ‘yun habit ko na pag tanghali.”

Pero may iba pa ring hibanger bashers at isa lang ito sa nabasa naming nabubuhay sa ilusyon.

“@C. Ignacio, malamamg yun story ng destined to be yours mangyari sa inyo ni alden, madalas ganun ang nangyayari sa buhay ng mga artista yun mga role na ginagampanan ay nagkakatotoo sa buhay nila. Si alden ibabalik itambal kay julie gusto ng gma masira yata career ni alden. Hindi nga sila pumatok noon. Mabigat para kay alden may chance pa si maine at alden. Bago pa lang sila ni arjo marami pa mangyayari natural ginagawa lahat ni arjo mapalapit sa mendoza. Imagine matalino, mayaman, maganda, phenomenal may sarili ng bahay at negosyo gagawin ang lahat syempre upang maimpress sa kanya.”

Kailan kaya magigising ang ibang hibanger bashers sa katotohanan? At sa taong nagpapasulat ng hindi maganda kay Arjo, ilang tulog na lang at 2020 na may oras pa para tanggapin ang katotohanan.

-REGGEE BONOAN