TARGET ng Makati Football Club boys U11 team na makapag-uwi ng medalya sa pagsabak sa Asiana Cup simula bukas sa Jakarta, Indonesia.
Kabilang sa makakasagupa ng batang Pinoy footballers ang koponan ng TCFA ng aiwan, T-Eleven at Asiana mula sa Indonesia, Rowville Eagles ng Australia, Jim Thompson ng Thailand, NFDP ng Malaysia at Bears mula sa Laos.
Batay sa format, maghaharap ang magka-karibal sa one round-robin elimination na magbibigay ng tatlong puntos sa mananalo at isa sa makaka-draw. Ito ang unang international tournament ng Makati FC.
Ang multi-titled youth football club ay nakatakdang sumabak sa iba pang international tournament sa susunod na taon, kabilang ang TAR Asia Qualifiers 7-aside sa Feb. 15-16.
Nakalinya rin sa Makati FC ang JSSL Singpore 7, pinakamalaking grassroots sports development tournament sa Asia tampok ang 400 koponan mula sa 17 bansa sa April 9-13, kasunod ang Europe sojourns - the Gothia World Youth Cup sa Denmark sa July 5-22.
“I want to widen the reach of what my dad, Tomas Lozano, has built in Makati FC for over 45 years. Through our club’s football program, we have been very successful in the international level especially in the older division of 13, 14 and 15 year olds. This is a program started since four years ago and the kids have been playing and training together since. And because of that consistency, having these kids under the wing of Makati FC, we can now see great results,“ pahayag ni chief executive officer SeLu Lozano.
“The club wants to share to many more aspiring football players a system that has proved to be successful in developing athletes to be competitive not just locally but in the international scene. I want to replicate this in all other age groups and to open our club to every kid who has the passion for football and aim to get better in the sport,” sambit ni Lozano.