NAISAKATUPARAN ng Pilipinas ang overall championship buhat sa katatapos na 30th Southeast Asian Games (SEAG) dahil sa galing ng mga atletang Pilipino.
Nguni,t saang sports nga ba nanaig nang husto ang mga Pilipinong atleta?
Sa kabuuang 149 gintong medalya na nakuha ng Pilipinas, humakot ng pinakamaraming gintong medalya buhat sa biennial meet ang mga atleta sa Arnis, kung saang kabuuang 14 gintong medalaya ang kanilang nailista na may kasama pang apat na silver medals at 2 bronze.
Kabilang ang Arnis sa mga sports na inasahan ng mga sports officials na hahakot ng gintong medalya, bukod pa sa ito ang ating pambansang palakasam kung saan kilala ang mga Pinoy sa pagiging magaling dito, ay talagang hasa ang mga atleta na isinabak dito para sa biennial meet.
Bukod sa Arnis, namayagpag din ang mga atleta sa athletics, kungsaan nalampasan pa nila ang 10 gintong medalyang presiksyon sa 11 na kanilang hinakot na may kasama pang 8 silvers at 8 bronze medals.
Nag-ambag din ang tropa ng Dancesports na humakot ng kabuuang 10 gintong medalya at tatlong bronze medals.
Ang boxing ay nag-ambag naman ng 7 gintong medalya tatlong silvers at dalawang bronze, habang nanorpresa naman ang mga atleta ng Obstacle Course na kung saan ay humakot ng anim na gintong medalya kasama ang tatlong silver medalas at isang bronze, sa kanilang unang pagsabak.
Hataw din ang ipinakitang performance ng Skateboarding kung saan ay nakakuha sila ng 6 na gintong medalya, 4 na silvers at 1 bronze.
Ang mga atleta naman sa combat sports tulad ng Jiujitsu ay may limang ginto, kickboxing na may tatlo ginto at dalawang silver at takwondo na may tatlong ginto.
Dahil dito, naging saksi ang mga Pilipino sa kahusayan na ipinamalas ng mga atletang Pinoy na siyang naging dahilan ng pagkakaisa ng mga mamamayan, sa loob ng 12 araw.
-Annie Abad