NATATAWA na lang ang kapamilya young aktres na si Miles Ocampo sa pang iintriga sa kanya na isa raw siyang “tomboy”. Hindi pa raw kasi nagkaroon ng nobyo ang magaling na batang aktres, huh!

mILES

“Alam nyo hindi ko naman sila maiintindihan. Hindi porke, walang jowa, eh, tomboy agad? Hindi ba pwedeng ayoko muna magkaroon. Sobra naman sila. Bakit ganun naman sila di ba?” sunod-sunod na balik tanong pa sa amin ni Miles.

Dagdag pa rin naman ni Mlies na may mga nakarating na rin naman sa kanya na gustong umakyat ng ligaw pero hindi raw talaga ini-entertain pa sa ngayon. Kamakailan nga ay napabalitang niligawan daw si Miles ng kasamahan sa ABS-CBN na si Mc Coy De Leon.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Pero hindi pa man lumaki ang isyu ay may nagsasabing binasted daw agad ito ni Miles. Paliwanag pa agad ni Miles na nanatiling magkaibigan pa rin naman daw silang dalawa ni McCoy.

“Kasi mas okey naman kami ngayon bilang magkaibigan. Kumbaga, kung babastedin mo, eh, puputulin mo na ‘yung friendship,” sey pa rin ni Miles.

Matandaang naging kontrobersiyal din noon ang paghihiwalay nina McCoy at ang naging girlfriend nitong si Elisse Joson. May pahayag pa noon ang una na mas gusto raw niyang maging kasintahan ay si Miles, huh!

Ayon kay Miles, masaya naman siya ngayon sa pagiging single at kung hindi naman niya naranasang magkaroon ng karelasyon ay hindi naman dapat na pag-uusapan pa ‘yun.

“Naku, hindi ko alam sa kanila, kung bakit “big deal” na sa kanila yun. Sa totoo lang naman kasi, eh, sa ngayon talaga, eh, na-e-enjoy ko pa po ang sarili ko. Mas gusto ko muna ang ganito. Kumbaga, ‘yun me time, eh, kumain lang ng mag-isa,” lahad niya.

-JIMI C. ESCALA